Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Friday, December 31, 2010

YEAR 2011


 Nais ko sana sa pagsalubong ng bagong taon na ito,
Ay lahat maging masaya. Walang maiwan na poot at galit,
Para sa nakaraan taon at muli pairalin ang pag-ibig sa atin mga puso.



======================o0o========================== 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Tuesday, December 28, 2010

Bakit Ganito?


Bakit ganito?
Pakiramdam ko'y di ko maipaliwanag.
Hindi ko alam tuloy,
Aking gagawin,
Sapagkat di ka naman nagpaparamdam.
Ano pa ang aking gagawin,
Kung hindi ka naman nagsasabi sakin.

Aking nararamdaman ngayon,
Kabog ng dibdib,
Bigat ng isip....

Bakit ba nagkaganito?
Ano ba ang naging kasalanan ko?
Di ko naman alam kung saan ako,
Nagkamali sayo....

Mahirap na itong kalagayan ko,
Ni di maipaliwanag ng sarili ko.
Upang ikaw ay maintindihan ko.
Sana manlang ay sinabi mo.
Kung ano ba talaga ang nagawa ko?

Masakit sa puso ko,
Ang isipin ang mga nangyayaring 'to.
Kanina lang ay masaya tayo.
Ngunit pagbalik ko ay bigla na lang,
Nag iba ang pakiramdam mo.
Lalabs ko, sana ay sabihin mo.
Kung ako ba ay nakasakit sayo.
Dahil hihingi naman ako ng tawad sayo.
Kung tingin mo may nagawang mali tong sarili ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Upang malaman man lang kahit konti galing sayo.
Kung bakit nagkaganito?


=========================o0o==========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Friday, December 24, 2010

Haplos ng Pasko...


Ang bigay ng may kapal...
Ay IKAW.




Pasko'y darating,
Ilan oras na lang,
Buong mundo'y magigising,
Bawat pamilya at,
Bawat magkasintahan,
Pasko'y ipagdiriwang.

Mga regalo sa bawat isa'y
Ibibigay sa mga minamahal nila sa buhay.
Napakasarap ng damhin
Na alam nating lahat ay masaya satin.
Sa pagsalubong ng pasko natin.

Oh sana ay bawat tao sa mundo'y maligaya.
Dahil ang diwa ng pasko ay nalalapit na.
Lahat sa bawat pamilya ay sama sama,
Sa pagsalubong ng paskong kay saya.

Hangad ko lamang sa inyo,
Na sana na bawat tao dito sa mundo
Ay makamit ang tunay na kaligayahan nyo.
Habang sumasapit ang pasko.
Pagkat ang nais ng bawat tao'y
Ang makapagdiwang sana ito.
Upang haplos ng PASKO...

Ay maiparating sa bawat puso ng mga TAO.

==========================o0o=========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Tuesday, December 21, 2010

IKAW sa Buhay Ko!

 Kahit na magkalayo tayong dalawa at matagal man tayong hindi magkita. Magbago man ang lahat sa atin. Sana'y tandaan mo lagi to.... Hinding hindi magbabago ang halaga mo. Bilang IKAW dito sa puso ko! Dahil walang ibang sinasabi kong IKAW dito sa BUHAY ko!

=========================o0o==========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Pakiramdam ng isang UMIIBIG

  • Lagi kang nae-excite sa mga bagay bagay na maaring dumating sayo sa araw-araw.
  • Sensitibo ka pagdating sa iyong nararamdaman (madaling masaktan) subalit malakas ang iyong loob.
  • Kumportable at may tapang kang humarap sa kahit sinuman.
  • Halos la lahat ng pinapangarap mo ay kasama na sya
  • Nakakaramdam ka na ng selos, pangunahin dahilan ang atensyon.
  • Nagmamadali at excited ka laging makausap sya, makita at makasama.
  • Maiisipan mong magplano ng mga bagay na kung papaano mo sya makakasama habang buhay.
  • Pagnanasa ay isang dahilan at pahiwatig na nagmamahal ka nga. 
  • Mga romantikong bagay ay nararamdaman mo at naiisipan mo tulad ng pagkasabik sa kanya.

============================o0o========================== 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Monday, December 20, 2010

PAHIWATIG


Paano mo malalaman na ikaw ay umiibig at iyong nararamdaman ang pagmamahal sa isang tao? Karamihan sinasabi nila, ang isang taong umiibig ay may parang nakalutang sa ulap, para ka din may paruparu sa loob ng tiyan, puno ng mga magagandang pangarap sa buhay, nagkakaroon ng may magandang pag-uusap sa pagitan ng dalawang taong nakakaramdam ng pag-irog para sa isa't isa. Ang excitement sa araw-araw mong paggising at laging may panibagong ngiti sa bawat araw na lumilipas sa iyo. Minsan, nakakalitong isipin kung ang iyong tanging nararamdaman ay isa ngang pag-ibig o pangarap lang. Paano mo ito malalaman kung ito ngang iyong nararamdaman sa iyong tiyan ay isa na ngang pag-ibig o isang pahiwatig na ikaw ay nagmamahal na o baka naman nalipasan ka lang ng gutom sa kahapon tanghalian kaya masakit ang iyong tiyan? May mga bagay akong nais ibahagi sa inyo base sa aking personal na karanasan at gayun din ayun sa sabi ng nakararami.


Ito ay isang pahiwatig ng pagmamahal o pag-ibig.


Magkaibigan kayo, ang nararamdaman nyong espesyal para sa isa't isa ay magkapareho. Madali nyong maalala o kahit konting bagay sa isa't isa ay madaling matandaan nyo at ito'y naitatago kahit hanggang sa maliliit na bagay. Parang bawat nalalaman nyo mula sa isa't isa ay natutunan nyong itago ito na parang isang mahalagang bagay, kagaya nun kung ano ang paboritong pagkain. Ang nararamdaman at paniniwala ay halos magkapareho tungkol sa bagay na gustong nyong puntahan, pananaw tungkol sa politika hanggang sa kaloob looban ng buhay nila sa kanilang pagkatao, ngunit ito ba ay sapat na kaalaman sa isa't isa? Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagpapahiwatig na ang iyong nararamdaman ay isang PAG-IBIG.
  • Ikaw ay nasa kanyang prioridad sa listahan (malalaman mo naman kung ikaw nga ay hindi importante sa kanya)
  • Ikaw ay matututong magbahagi ng mga sekreto mo at mga pangarap mo sa buhay.
  • Mga simpleng request nya ay iyong nagagawa.
  • Mga hindi mo dating ginagawa, ay nagagawa mo na kung ikaw ay umiibig na.
  • Nagagawa mong makapag isip ng mga bagay na maaring ikagulat nya sa paraan ikasasaya nya sayo.
  • Nag-aalala ka na maaring di sya magustuhan ng iyong mga kaibigan.
  • Sa bawat paggising mo s'ya lagi ang nasa isip mo kasabay ng pagngiti mo sa umaga.
  • Naibabahagi mo sa kanya ang kahit na anong bagay sa iyo kahit na nakakahiya na.
  • Para s'yang isang matalik na kaibigan lamang dahil sa kaya mong maibahagi sa kanya ang bawat pangyayari sayo sa araw-araw ng hindi ka nagdadalawang isip.
  • Kumportable ka sa iyong sarili sa kahit sinumang makaharap mo.
  • Malakas ang loob mo kapag naiisip mo s'ya.
  • Natututo kang maghintay na sila'y makita, makausap at makasama.
  • Humahaba ang iyong pasensya para sa mga bagay-bagay na dati'y ay di mo magawa.
  • Nagkakaroon ka ng pagkagusto sa mga romantikong bagay ('ni minsan kahit sa panaginip mo ay di mo nagawa.)
  • Naghahanap ka ng kaibigan o sinuman na maaring makinig sayo.
  • Nagkakaroon ka ng tanong sa iyong sarili tungkol sa; nakaraan, hinaharap, at sa iyong bukas na maaring mangyari.
  • At natututo kang maglandi sa iyong minamahal (kahit ni minsa'y di mo pa nagawa.)

=========================o0o=========================

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

it is LOVE..

You know it is love when you want to share everything with her, even her pain. You know it is love when you can't stop thinking about her. You know it is love when you'd rather be in a relationship but apart than not in a relationship at all. But, most of all, you know it is love when your happiness is dependant upon hers. At least that's how I know.


========================o0o============================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Sunday, December 19, 2010

Hinahanap Ka...

Lagi kang laman ng isip ko,
Para kang nalunok na pagkain ko,
at wala manlang akong pantulak dito,
Upang mapawi ang paghihirap na ito.


Sarili ko minsa'y tinatalo,
Subalit hindi talaga maiwasan sumagi ito,
Ang hanap-hanapin kita sa piling ko.
Sa bawat araw na dinadaanan ko..


Kailan pa ba darating ang panahon na iyon,
Upang ikaw ay aking makapiling.
Dahil alam ko sa aking sarili,
Ikaw lang ang lagi kong iniisip.

Kahit saan man ako maglagi,
Ikaw ang sa isip ay laging sumasagi.
Aanhin ko pa ba ang aking sarili,
Pagkat nararamdamn ko'y di na mapigil.

Sa araw-araw na paggising ko,
Ikaw na ang pinapangarap.
Ikaw lagi ang ninanais at hinahanap.
Ikaw lagi ang laman maging sa panaginip.

Sana ay dumating din ang panahon,
Na ang lahat ng mga ito, 
Ay matupad na ikaw ay nasa piling ko,
Pagkat hangad ko'y ibigay ka sakin ng buo.

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Tuesday, December 14, 2010

Ika'y AKIN...

Sa puso ko ikaw lang ang nag-iisa.
Kahit hindi ka man maniwala,
Alam kong ikaw lamang ang sa akin ay mahal.
Sigurado akong, ikaw at wala ng iba pa.

Gaya ng iyong sinabi,
Mahirap paniwalaan kasi.
Hindi naman kita masisisi,
Dahil sa nakaraan ko'y ikaw ang saksi.

Sana naman ay dumating ang araw,
Na puso't isipan mo'y maniwala na sakin.
Dahil wala naman iba itong sinasabi,
Kundi ang mahalin ka lagi-lagi.

Alam kong, di kita sinadyang mahalin,
Ngunit ang puso ko'y nagsusumamo na din,
Na sana di ka na sa akin ay mawaglit
Para buong buo kang tawagin akin.

Kung sa di inaasahan, tayo'y nagmahalan.
Sa akin ay ikaw lamang...
At sana'y wala ng humadlang.
Pagkat ikaw ang bigay ng maykapal hirang.

Sa aki'y sana'y di ka na nya walain.
Dahil wala ng silbi ang aking sarili giliw,
Kung ako ay iiwanan mo din,
Sa pagkat buhay ko'y tinurin ka ng akin.


"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Saturday, December 11, 2010

Happy 1st Monthsary to You... ;)


It's been a month that we've both gave our hearts to one another.
You are mine and I know that I am yours 'till the time you want me.
I will do whatever I can to make you happy. ;)
And let you know that my love for you is true.

Its been a month now,
Since I told you, I love you.
Its been a month now,
Since you told me, I love you too.
It was the day,
That you made my heart so complete.
 
Thank you for loving me.
I just hope your heart will always be mine.
Because I really wanted you to know,
How much I love you so.
And how much I am true to you.

One month,
That we are still here,
Loving each other,
Enjoying everything we feel for each other.
I do wish to enjoy more with our lives together.
And never let go from each other in anyway.
Let us keep holding,
And I am yours forever.

We will feel ups and downs,
In griefs and laughter,
We will be together,
Hand in hand,
You will always be admire.

I will always stay with you,
through thick and thin,
Through bad and good times.
Let us keep holding on together,
And never let go of each other.

Together we will be a perfect lover,
Where our love can be felt .
Never fear of losing me,
Coz i will always stay,
Just promise me,
That you will always be mine.

Trust me when I say "I LOVE YOU".
It comes from the buttom of my heart you know!
I will never ever leave,
Until you ask me to.
Because my feelings for you is true.

No matter how and no matter what.
I know that my heart,
will always want you.
And care for you.

I LOVE YOU SO MUCH...
HAPPY MONTHSARY...

=============================o0o=========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Laging Nagmamahal..


Wala akong maisip
kundi ikaw lamang giliw,
Nakaupo lamang ako sa isang tabi.
Habang iniisip ka ng hating gabi.

Sana'y masaya ka sa akin.
Ako'y di man perpekto sa sarili,
Para sa buhay mo.
Asahan mong pag-ibig
Koy iaalay lamang sayo lagi.

Saglit ko lamang ito ginawa,
Habanag iniisip ka sa iyong nadarama.
Sana ngayon ay masaya kana,
Para sa nararamdaman natin dalawa.

Hindi ko man batid,
Laman ng iyong damdamin
Nais ko'y sa iyo sabihin.
Na ikaw lang ang mamahalin.

Sa habang buhay,
Ikaw ay nais makaramay.
Dahil ikaw ay laging kaagapay,
Sa mga pagsubok ko sa buhay.

Kaya nais ko na lang,
sa iyo iparating.
Na ako'y andito lang naman,
Na sa iyo'y laging nagMAMAHAL...

=======================o0o===============================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Isang Buwan...


Nag sa-soundtrip ako ngayon at nakaupo kaharap ang aking sandata sa paggawa ko nito. Nais kong ialay itong aking gagawin sa isang taong tinuturin ko ngayon isang mahalagang bagay na ibinigay sa akin ng poong maykapal. Magkahalong nararamdaman para sa iyo, aking kamahalan at sa maykapal. Isa kang malaking regalo sa akin ng nasa itaas, itinuturin kitang malaking regalo sa akin ng D'yos. Maraming salamat sa kanya, sana ay nakakaabot sa kanya ang aking pagpapasalamat na ibinigay ka nya. Unang isang buwan ng ating pagmamahalan (yaaaaak haha) parang kailan lang, ika'y tagapakinig ko lang sa aking mga kwento mula sa aking nakaraan. Nagtiyaga kang makinig sa akin kwento (di ka naman chismosa nu? hehehe joke lang mwua) mga iba't ibang nararamdaman noon, habang ikaw ay nandyan at laging dinadamayan ako. Naging isang tunay kang kaibigan, pinasaya mo ako sa tuwing ako ay may karamdaman, sa tuwing ako ay nasasaktan dahil sa aking nakaraan. Subalit naging matapang ka upang ako'y damayan. Maraming salamat at isa ka sa naging tunay kong kaibigan. 

Sa kabila ng aking hindi magandang pagtanggap sayo nung tayo ay nasa isang tambayan pa, nakuha mo pa din pala na ako'y mahalin (hehe).Sa iyong tingin ika'y aking inaway rin, subalit sa akin, iyon ay simpleng interogasyon dahil sa isang taong kasama sa aking nakaraan. Saglit, ako'y napaisip noon, pagkatapos ko sa aking interogasyon. Medyo nagkagulo pa nu'n ng dahil sa asal kong di kagandahan. Pansamantalang ako'y nanahimik at nag-isip, ngunit di mga nangyaring 'yon ay di ko pinansin dahil siguro ako ay nasa hindi magandang suliranin. Alam kong ako'y hindi tama, at ako sana'y iyong patawarin. Pero mga pangyayaring 'yon, siguro may ibig sabihin na hindi ko lamang napansin. At ngauyon ko naramdaman na mga pangyayaring 'yon ay isang pahiwatig, na sa madaling panahon, ika'y aking iibigin. "di ko man sadya ngunit alam kong totoo ito mula sa aking damdamin. 

Maraming pangyayari pa ang dumaan na sa ati'y inihain ng maykapal. Alam kong pareho tayong inosente na mga nangyari ay babaliktarin pala ng panahon, at tayo'y pag-iisahin kung saan pagmamahal natin ay nasa mga damdamin natin paiiralin. 

OO, aaminin kong dumating ako sa puntong ayaw ko na magmahal dahil sa aking mapait na nakaraan. Subalit, liwanag mo'y syang ipinaramdam, upang ako pala'y magising sa katotohanang may isang taong nandyan lang at handang ako'y sabayan upang muling buhayin ang damdamin kong minsa'y tumigil dahil sa pagod at sakit na pinagdaanan ng aking mapait na nagdaan. Liwanag, kung kita'y iturin dahil alam kong ikaw ang sa aki'y sumagip. Kaya't maraming salamat sayo aking pag-ibig, alam mong sa iyo ang aking buhay at damdamin.

Sa iyo ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. Buong akala ko ay di na ako muling magmamahal pa subalit IKAW ang nagbigay dahilan upang aking maintindihan kung ano ba talaga ang tunay na pagmamahal. Alam kong hindi maiwasan ang minsa'y pag-ibig ko sayo'y di mo mapaniwalaan kung tunay man o totoo. Ayoko naman kontrahin ang mga sinasabi mo, subalit iniisip ko na lang na pag-ibig ko sayo'y patutunayan ko upang sa pagdating ng araw, mga patunay ko'y iyo din mararamdaman. Maraming beses, ako'y nagtanung sa aking sarili, kung pagmamahal ko sayo'y totoo, pero iisa lang talaga ang sagot ng mga ito; ang tadhana ko'y ikaw na siguro at pagmamahal ko'y iniaalay ko sayo ng buo. Mahirap man paniwalaan ito, subalit laging dasal ko na lang ay sana ang araw na 'yon dumating na sa iyo din manggaling na ika'y tunay kong minamahal at mamahalin kahit hanggang libing, walang ipagbabago nitong aking damdamin, para sa isang tulad mo. 

Isang buwan na tayo mula nun hayaan natin ang ating mga damdamin ay iisa na rin. Isang buwan na tayo'y binubuo ng ating mga puso, may mga panahon mang tayo'y inihaharap sa mga pagsubok, subalit nais kong malaman mong patuloy kang minamahal ng aking puso. Ikaw lamang ang hinahanap hanap nito, na walang atubiling iniiyak ng damdamin ko sa tuwing ika'y namimiss ko. Sa araw araw na dumadaan sa buhay ko, pag-ibig ko sayo ay lalung dinudugtungan ng aking puso upang ikaw ay sobra pang mahalin ko. Mga pangarap, maraming nabubuo sa aking isipan na kasama ko sa pagtupad. Sana ay lagi kang andyan upang mahalin ko, maging hanggang sa huling hininga ko. 

Alam kong marami pang pagsubok ang maari natin makaharap, sa patuloy natin paglalakbay tungo sa ating kinabukasan. Sana ay samahan mo ako sa pakikipaglaban upang ang mga ito'y ating malampasan. Maging matatag pa sana tayo sa kahit anong anggulo ng ating buhay. Sana ay masaya ka sa piling ko, dahil nais kong malaman mo, na sa bawat paggising ko sa araw araw, alam kong buhay ko'y nadaragdagan dahil mayron isang IKAW na aking minamahal, Sa bawat paghinga ko sa ibabaw ng mundong ito, IKAW ang dahilan ko, dahil IKAW lamang ang susi sa patuloy kong buhay. Nais kong magpasalamat sa iyo aking kamahalan na ikaw na syang nag-iisang dahilan kung bakit ako ay patuloy na masaya sa piling mo. Sana ay masaya ka rin na ako'y nandito sa buhay mo. Asahan mong pagmamahal ko ay para lamang sa iyo...

==========0============0=============0==========
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Wednesday, December 8, 2010

Wala ako maisip kundi ikaw

Naasar ako, dahil sa tarantadong globe na ito.
Hindi kita makausap ng matino,
Bakit ba ganito?

Inaantok ako, dahil isip ko'y wala dito,
kundi laging na sa iyo,
kung ano na ang mga ginagawa mo,
Sana ay naiisip mo din ako,
Dahil, ako'y narito nagmamahal lagi sayo.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.
Utak mo'y di naman hawak ko.
Kaya't lagi kong dasal,
na sana ay magtagal pa tayo.

Alam kong kapalaran natin,
Sya lang sa taas ang makapagsasabi.
Ngunit, mga pangarap natin ay maaring mangyari,
Kung tayong dalawa ay kanya'y magsasabi.

Nakaupo ako, sa harap ng monitor ko.
Habang sinusulat ko ito,
Ikaw naman ay nasa utak ko,
at ng puso kong nagsusumamo sayo.

Sana ay nararamdaman mo,
Pagmamahal ko sayo,
ay sobra pa sa inaakala ko.
Dahil alam kong ikaw,
ang syang nagturo nito,
kung papaano muling kumilala,
sa PAG-IBIG ko!

Sana ay sa bawat araw
na magdadaan sa atin,
tayo ay maging matatag lagi
lalu na sa pagharap sa mga
pagsubok na darating.

Lagi mo sana isipin,
na mahal kita, sobra pa sa iyong inakala.
Ang lahat ng ito'y di ko man sadya,
sana po ay maintindihan mo na,
kung gaano ka kahalaga,
sa buhay ko.


nagmamahal lang naman ako,
sana'y ikaw na ang bigay nya,
na matagal ko ng pinagdasal,
na sana dumating ang panahon,
na dumating ang isang tao,
na tutugon sa pagmamahal ko,
na tapat na iaalay ko sayo.

maraming salamat......

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Simpleng kulitan, Kapalit ay Pagmamahal?

Ngayon gabi, ako ay nakaupo lang sa isang tabi.
Nag-iisa at walang kasama.
Iniisip kita, hindi kasi kita kausap.
Mga tanung sa aking utak,
ay sayo namulat...

Hindi ko alam kung paano tayo nag-umpisa.
Ikaw na nga lang, itong nagpaalala.
Nakakatuwa kung iisipin di ba?
Nung ikaw ay una kong makilala...

Hindi naman ako kaaya-ayang nilalang.
Gaya ng aking laging sinasabi..
Na sa mundong ito, kahit ako man ay ganito,
pagmamahal ko sayo, ay nag-iisa lang na mosquito.

Aking ipagpapatuloy, itong aking kwento.
Mga alaala nati'y alam kong nakakatawa to
dahil ikaw ang kaakibat ko.
Ni sa akala, hindi ko ini-expect 'to,
na ako pala ay magmamahal sayo ng ganito...

Para lang akong naglakad sa kagubatan,
nakahanap ng isang balon dyan,
saglit lang akong huminto,
paggising ko'y nalulunod na pala ako,
sa pagmamahal mo, at maraming salamat
sayo, dahil minamahal din kita ng totoo..

Nilapit tayo ng mga pang-asar natin,
sagad hanggang buto..
Pero bakit ni isa sa atin,
ay wala manlang napikon?
Ito ba ay talagang sinasadya,
ng ating mga tadhana?

Marahil tayo'y dinadala,
ng hangin tungo sa ating tadhana.
Wala tayong kamalay-malay,
na magmamahal tayo sa isa't isa.

Unang pag-uusap nati'y
pakiramdam ko'y alanganin.
Dahil pakay ko'y ilakad lamang,
Ang mahal kong kaibigan.

Mga panahon nag-uusap tayo,
walang ibang ginagawa kundi,
ang mag-asaran tayo...
Akala ko ay simpleng harutan lang,
wala tayong kamalay malay,
isang pahiwatig ng pagmamahalan,
na pala ang nangyayari sa atin.

i love you che... ayiiiii

to be continue.....

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Walang titulo dahil walang katulad...

Dati rati'y ang akala ko,
ay hindi na ako magkakainteres,
sa kahit na sinuman.
Buong akala ko,

mahirap ka nang hanapin,
kasi naman tarantado ako.
Ngunit sa di ko inaasahan,
ikaw pala ang magiging parte neto.

Isa kang hayop sa pananaw ko, marahil ay dahil hayop din akong ginawa ng mga katulad ko. Mga tawag sa atin ay hindi naisipan o napaghandaan subalit bigla na lang syang nabuo. Sa sirkulasyon ng ating pagkakaibigan ay halus nakatira tayo sa isang lugar kung saan pwdi natin tawagin JURASIC ISLAND... Paano kasi, mga hayop lang ang makikita mo ron. Naisip mo na ba kung sinu sino ang mga yon? Ikaw, ako, sya, sila at tayo tayo lang naman. Magkaiba man tayo ng lahi, subalit iisa pa din ang atin pinanggalingan. Yun ay mga hayop tayo kung magturingan. Ibang klase itong pagkakaibigan. Walang patawad kong magharutan at mag-asaran. Ang maganda lang dahil tayo ay nagsasama sama kahit anung mangyari. 
(nov. 28, 2010)

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Alay....


takot akong gumising na lang isang araw,
na hindi ka na nagmamahal sa akin.
anu ba sa tingin mo ang kailangan kong gawin?
upang ikaw ay laging manatili sa aking piling?

Simple lang akong tao,
wala ako maipagmamalaki sayo,
kundi ang natatangi kong pag-ibig
na handang ialay sa iyo.

pait ng nakaraan ko'y,
di ko maiwasan, matakot para sa kinabukasan,
sana'y iyong maintindihan na ako'y
nandito at nagmamahal sayo,
sana pakaingatan mo ito. 

(nov. 22, 2010)

 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Ikaw...


Sa lahat ng unos, na aking pinagdaanan. Narito na naman po ako at muling nagbabalik, ngunit hindi dahil ako ay malungkot, kung di dahil ako ay masaya. Ito na siguro ang sinasabing "muling pagkabuhay"...


Napakasarap isipin, na sa kabila ng mga luhang umagos sa aking mga mata, at mga sakit na naramdaman ng aking kalooban at pusong nagdurusa, may isang IKAW na muling nagbangon nito. IKAW, na nagtiis samahan ako sa mga sakit na nararamdaman ko para sa isang taong minsan naging buhay ko. Nagtiis at nagtyaga kang sabayan ako sa mga bagay bagay na kung saan maaring magsilbing gabay ko upang makalimutan ko ang puot na nararamdaman ko sa aking nakaraan. Nandyan ka lagi upang pahirin ang mga luhang umaagos sa aking mga mata, at gamutin ang puso kung nagdurusa. Nais kong sabihin na IKAW ang simpleng nagbukas ng aking panibagong pinto tungo sa muling pagkilala sa sa buhay, na minsa'y ninais ko nang kalimutan kung papaano ang PAGMAMAHAL at nais kong sa iyo ay magpasalamat sa mga ilaw na iyong iniabot sa akin upang ako ay muling magising sa natutulog kong damdamin.


Muling ako ay bumangon kasama ko ang panibagong IKAW, na syang nagpaalala na ang PAGMAMAHAL ay ni minsan di natin makalimutan. Dahil, habang tayo ay nasasaktan, isipin natin lagi na ang PAGMAMAHAL ay laging nandyan at ni minsan ay di natin walain. Dahil kung sa PAGMAMAHAL man tayo nadapa, sa PAGMAMAHAL din tayo babangon.


IKAW, na sya na ang buhay ko ngayon. Sa aking muling pagngiti sa panibago kong mundo, nais kong malaman mo, na IKAW ang sa aki'y sana makasama hanggang sa kabilang ibayo ng aking buhay.
MARAMING SALAMAT IKAW, AT MARAMING SALAMAT NA IKAW ANG NAGDALA SAKIN NG PAGMAMAHAL. ASAHAN MONG IKAW LAGI ANG AKING MAMAHALIN. SANA AY H'WAG KANG MAGSAWANG SAMAHAN AKO SA MULI KONG PAGLALAKBAY SA PANIBAGONG BUHAY NATIN MAGKASAMA. SAAN MAN TAYO MAPADPAD, ASAHAN MONG PAGMAMAHAL KO'Y DI MAARING MAKALIUTAN. DAHIL IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT MULING AKO AY NABUHAY....


"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."