Nag-iisa at walang kasama.
Iniisip kita, hindi kasi kita kausap.
Mga tanung sa aking utak,
ay sayo namulat...
Hindi ko alam kung paano tayo nag-umpisa.
Ikaw na nga lang, itong nagpaalala.
Nakakatuwa kung iisipin di ba?
Nung ikaw ay una kong makilala...
Hindi naman ako kaaya-ayang nilalang.
Gaya ng aking laging sinasabi..
Na sa mundong ito, kahit ako man ay ganito,
pagmamahal ko sayo, ay nag-iisa lang na mosquito.
Aking ipagpapatuloy, itong aking kwento.
Mga alaala nati'y alam kong nakakatawa to
dahil ikaw ang kaakibat ko.
Ni sa akala, hindi ko ini-expect 'to,
na ako pala ay magmamahal sayo ng ganito...
Para lang akong naglakad sa kagubatan,
nakahanap ng isang balon dyan,
saglit lang akong huminto,
paggising ko'y nalulunod na pala ako,
sa pagmamahal mo, at maraming salamat
sayo, dahil minamahal din kita ng totoo..
Nilapit tayo ng mga pang-asar natin,
sagad hanggang buto..
Pero bakit ni isa sa atin,
ay wala manlang napikon?
Ito ba ay talagang sinasadya,
ng ating mga tadhana?
Marahil tayo'y dinadala,
ng hangin tungo sa ating tadhana.
Wala tayong kamalay-malay,
na magmamahal tayo sa isa't isa.
Unang pag-uusap nati'y
pakiramdam ko'y alanganin.
Dahil pakay ko'y ilakad lamang,
Ang mahal kong kaibigan.
Mga panahon nag-uusap tayo,
walang ibang ginagawa kundi,
ang mag-asaran tayo...
Akala ko ay simpleng harutan lang,
wala tayong kamalay malay,
isang pahiwatig ng pagmamahalan,
na pala ang nangyayari sa atin.
i love you che... ayiiiii
to be continue.....
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."
No comments:
Post a Comment