Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Monday, December 20, 2010

PAHIWATIG


Paano mo malalaman na ikaw ay umiibig at iyong nararamdaman ang pagmamahal sa isang tao? Karamihan sinasabi nila, ang isang taong umiibig ay may parang nakalutang sa ulap, para ka din may paruparu sa loob ng tiyan, puno ng mga magagandang pangarap sa buhay, nagkakaroon ng may magandang pag-uusap sa pagitan ng dalawang taong nakakaramdam ng pag-irog para sa isa't isa. Ang excitement sa araw-araw mong paggising at laging may panibagong ngiti sa bawat araw na lumilipas sa iyo. Minsan, nakakalitong isipin kung ang iyong tanging nararamdaman ay isa ngang pag-ibig o pangarap lang. Paano mo ito malalaman kung ito ngang iyong nararamdaman sa iyong tiyan ay isa na ngang pag-ibig o isang pahiwatig na ikaw ay nagmamahal na o baka naman nalipasan ka lang ng gutom sa kahapon tanghalian kaya masakit ang iyong tiyan? May mga bagay akong nais ibahagi sa inyo base sa aking personal na karanasan at gayun din ayun sa sabi ng nakararami.


Ito ay isang pahiwatig ng pagmamahal o pag-ibig.


Magkaibigan kayo, ang nararamdaman nyong espesyal para sa isa't isa ay magkapareho. Madali nyong maalala o kahit konting bagay sa isa't isa ay madaling matandaan nyo at ito'y naitatago kahit hanggang sa maliliit na bagay. Parang bawat nalalaman nyo mula sa isa't isa ay natutunan nyong itago ito na parang isang mahalagang bagay, kagaya nun kung ano ang paboritong pagkain. Ang nararamdaman at paniniwala ay halos magkapareho tungkol sa bagay na gustong nyong puntahan, pananaw tungkol sa politika hanggang sa kaloob looban ng buhay nila sa kanilang pagkatao, ngunit ito ba ay sapat na kaalaman sa isa't isa? Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagpapahiwatig na ang iyong nararamdaman ay isang PAG-IBIG.
  • Ikaw ay nasa kanyang prioridad sa listahan (malalaman mo naman kung ikaw nga ay hindi importante sa kanya)
  • Ikaw ay matututong magbahagi ng mga sekreto mo at mga pangarap mo sa buhay.
  • Mga simpleng request nya ay iyong nagagawa.
  • Mga hindi mo dating ginagawa, ay nagagawa mo na kung ikaw ay umiibig na.
  • Nagagawa mong makapag isip ng mga bagay na maaring ikagulat nya sa paraan ikasasaya nya sayo.
  • Nag-aalala ka na maaring di sya magustuhan ng iyong mga kaibigan.
  • Sa bawat paggising mo s'ya lagi ang nasa isip mo kasabay ng pagngiti mo sa umaga.
  • Naibabahagi mo sa kanya ang kahit na anong bagay sa iyo kahit na nakakahiya na.
  • Para s'yang isang matalik na kaibigan lamang dahil sa kaya mong maibahagi sa kanya ang bawat pangyayari sayo sa araw-araw ng hindi ka nagdadalawang isip.
  • Kumportable ka sa iyong sarili sa kahit sinumang makaharap mo.
  • Malakas ang loob mo kapag naiisip mo s'ya.
  • Natututo kang maghintay na sila'y makita, makausap at makasama.
  • Humahaba ang iyong pasensya para sa mga bagay-bagay na dati'y ay di mo magawa.
  • Nagkakaroon ka ng pagkagusto sa mga romantikong bagay ('ni minsan kahit sa panaginip mo ay di mo nagawa.)
  • Naghahanap ka ng kaibigan o sinuman na maaring makinig sayo.
  • Nagkakaroon ka ng tanong sa iyong sarili tungkol sa; nakaraan, hinaharap, at sa iyong bukas na maaring mangyari.
  • At natututo kang maglandi sa iyong minamahal (kahit ni minsa'y di mo pa nagawa.)

=========================o0o=========================

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

it is LOVE..

You know it is love when you want to share everything with her, even her pain. You know it is love when you can't stop thinking about her. You know it is love when you'd rather be in a relationship but apart than not in a relationship at all. But, most of all, you know it is love when your happiness is dependant upon hers. At least that's how I know.


========================o0o============================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."