Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Sunday, February 20, 2011

Pakpak ng Damdamin


Oh kay hirap itong aking nararamdaman.
Paano ko ito sayo ipaparating?
Upang itong aking damdamin,
Ay sa iyo makapagpahiwatig.

Isang pakpak ang aking kailangan.
Upang sa iyo ko'y ipaalam.
Itong tunay kong nararamdaman.
Pagkat ikaw itong minamahal.
Ng aking pusong sa iyo ay nagsusumamo.

Kay sarap naman magkaroon ng mga pakpak.
Kahit saan dako paroroon, alam kong ako ay makakarating.
Mga diwa ng aking puso ay siguradong sa iyo tungo.
Sa pamamagitan ng pakpak na ito,
Alam kong mapapanatag na itong puso ko.

Sa bawat paglipad ng pakpak na ito,
Kaakibat nya'y itong pag-ibig ko para sa iyo.
Sana sa kanyang paglayag, Ikaw ang makita nito
Upang ang aking pagsinta sayo, ay kanya'y maibahagi
At ng maramdaman mo, minamahal ko...

Mga mithiin ko'y iisa lamang.
Ito ay ang magkaroon sana ng tugon.
Ngunit kong ang payagan ng maykapal,
Ay wala naman sa aking kapalaran.
Malugod ko itong tatanggapin.
Pagkat ang mahalin ka lang
Ang s'ya lamang ang ninanais...



======================o0o==========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."