Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Sunday, December 19, 2010

Hinahanap Ka...

Lagi kang laman ng isip ko,
Para kang nalunok na pagkain ko,
at wala manlang akong pantulak dito,
Upang mapawi ang paghihirap na ito.


Sarili ko minsa'y tinatalo,
Subalit hindi talaga maiwasan sumagi ito,
Ang hanap-hanapin kita sa piling ko.
Sa bawat araw na dinadaanan ko..


Kailan pa ba darating ang panahon na iyon,
Upang ikaw ay aking makapiling.
Dahil alam ko sa aking sarili,
Ikaw lang ang lagi kong iniisip.

Kahit saan man ako maglagi,
Ikaw ang sa isip ay laging sumasagi.
Aanhin ko pa ba ang aking sarili,
Pagkat nararamdamn ko'y di na mapigil.

Sa araw-araw na paggising ko,
Ikaw na ang pinapangarap.
Ikaw lagi ang ninanais at hinahanap.
Ikaw lagi ang laman maging sa panaginip.

Sana ay dumating din ang panahon,
Na ang lahat ng mga ito, 
Ay matupad na ikaw ay nasa piling ko,
Pagkat hangad ko'y ibigay ka sakin ng buo.

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

No comments:

Post a Comment