Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Wednesday, December 8, 2010

Wala ako maisip kundi ikaw

Naasar ako, dahil sa tarantadong globe na ito.
Hindi kita makausap ng matino,
Bakit ba ganito?

Inaantok ako, dahil isip ko'y wala dito,
kundi laging na sa iyo,
kung ano na ang mga ginagawa mo,
Sana ay naiisip mo din ako,
Dahil, ako'y narito nagmamahal lagi sayo.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.
Utak mo'y di naman hawak ko.
Kaya't lagi kong dasal,
na sana ay magtagal pa tayo.

Alam kong kapalaran natin,
Sya lang sa taas ang makapagsasabi.
Ngunit, mga pangarap natin ay maaring mangyari,
Kung tayong dalawa ay kanya'y magsasabi.

Nakaupo ako, sa harap ng monitor ko.
Habang sinusulat ko ito,
Ikaw naman ay nasa utak ko,
at ng puso kong nagsusumamo sayo.

Sana ay nararamdaman mo,
Pagmamahal ko sayo,
ay sobra pa sa inaakala ko.
Dahil alam kong ikaw,
ang syang nagturo nito,
kung papaano muling kumilala,
sa PAG-IBIG ko!

Sana ay sa bawat araw
na magdadaan sa atin,
tayo ay maging matatag lagi
lalu na sa pagharap sa mga
pagsubok na darating.

Lagi mo sana isipin,
na mahal kita, sobra pa sa iyong inakala.
Ang lahat ng ito'y di ko man sadya,
sana po ay maintindihan mo na,
kung gaano ka kahalaga,
sa buhay ko.


nagmamahal lang naman ako,
sana'y ikaw na ang bigay nya,
na matagal ko ng pinagdasal,
na sana dumating ang panahon,
na dumating ang isang tao,
na tutugon sa pagmamahal ko,
na tapat na iaalay ko sayo.

maraming salamat......

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

No comments:

Post a Comment