Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Tuesday, January 11, 2011

Happy 2nd Monthsary Lalabs...

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Ito na ang araw ng buwan kung saan tayo ay nagkasundong maging isa sa atin mga puso at isipan. Ito rin ang araw na atin inihayag sa isa't isa ang tunay na nararamdaman para sa isa't isa. Sana ay patuloy tayong magmahalan hanggang sa wala na sana katapusan. Sabi nila lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan pwera lang ang pagmamahal. Dahil habang nabubuhay tayo patuloy tayong magmamahal. Sana ang pagmamahal na ito ay sa iyo na lamang ng may kapal ilaan gayundin ang iyong nararamdaman para sa akin. Nais kong malaman mong ako'y masaya mula ng makilala ka. N'ung inumpisahan kong buksan ang aking isipan at puso para sa iyo, mga kasagutan sa aking katanungan ay nabigyan kasagutan, marahil sa iyong pagdating sa aking buhay. Maraming salamat sa pagmamahal mo at sana ay di ka magbago lalabs. Mahal kita alam mo yan at nababalewala lahat ng hirap at pagod sa araw araw kong pamumuhay sa pagkat alam kong ikaw ang dahilan ng aking lakas ng loob. Ikaw ang buhay ko at sana'y di ka magbago dahil habang ako'y narito sa mundong ito, lagi akong nandyan para sa iyo. 

I love you....