Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Saturday, December 11, 2010

Isang Buwan...


Nag sa-soundtrip ako ngayon at nakaupo kaharap ang aking sandata sa paggawa ko nito. Nais kong ialay itong aking gagawin sa isang taong tinuturin ko ngayon isang mahalagang bagay na ibinigay sa akin ng poong maykapal. Magkahalong nararamdaman para sa iyo, aking kamahalan at sa maykapal. Isa kang malaking regalo sa akin ng nasa itaas, itinuturin kitang malaking regalo sa akin ng D'yos. Maraming salamat sa kanya, sana ay nakakaabot sa kanya ang aking pagpapasalamat na ibinigay ka nya. Unang isang buwan ng ating pagmamahalan (yaaaaak haha) parang kailan lang, ika'y tagapakinig ko lang sa aking mga kwento mula sa aking nakaraan. Nagtiyaga kang makinig sa akin kwento (di ka naman chismosa nu? hehehe joke lang mwua) mga iba't ibang nararamdaman noon, habang ikaw ay nandyan at laging dinadamayan ako. Naging isang tunay kang kaibigan, pinasaya mo ako sa tuwing ako ay may karamdaman, sa tuwing ako ay nasasaktan dahil sa aking nakaraan. Subalit naging matapang ka upang ako'y damayan. Maraming salamat at isa ka sa naging tunay kong kaibigan. 

Sa kabila ng aking hindi magandang pagtanggap sayo nung tayo ay nasa isang tambayan pa, nakuha mo pa din pala na ako'y mahalin (hehe).Sa iyong tingin ika'y aking inaway rin, subalit sa akin, iyon ay simpleng interogasyon dahil sa isang taong kasama sa aking nakaraan. Saglit, ako'y napaisip noon, pagkatapos ko sa aking interogasyon. Medyo nagkagulo pa nu'n ng dahil sa asal kong di kagandahan. Pansamantalang ako'y nanahimik at nag-isip, ngunit di mga nangyaring 'yon ay di ko pinansin dahil siguro ako ay nasa hindi magandang suliranin. Alam kong ako'y hindi tama, at ako sana'y iyong patawarin. Pero mga pangyayaring 'yon, siguro may ibig sabihin na hindi ko lamang napansin. At ngauyon ko naramdaman na mga pangyayaring 'yon ay isang pahiwatig, na sa madaling panahon, ika'y aking iibigin. "di ko man sadya ngunit alam kong totoo ito mula sa aking damdamin. 

Maraming pangyayari pa ang dumaan na sa ati'y inihain ng maykapal. Alam kong pareho tayong inosente na mga nangyari ay babaliktarin pala ng panahon, at tayo'y pag-iisahin kung saan pagmamahal natin ay nasa mga damdamin natin paiiralin. 

OO, aaminin kong dumating ako sa puntong ayaw ko na magmahal dahil sa aking mapait na nakaraan. Subalit, liwanag mo'y syang ipinaramdam, upang ako pala'y magising sa katotohanang may isang taong nandyan lang at handang ako'y sabayan upang muling buhayin ang damdamin kong minsa'y tumigil dahil sa pagod at sakit na pinagdaanan ng aking mapait na nagdaan. Liwanag, kung kita'y iturin dahil alam kong ikaw ang sa aki'y sumagip. Kaya't maraming salamat sayo aking pag-ibig, alam mong sa iyo ang aking buhay at damdamin.

Sa iyo ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. Buong akala ko ay di na ako muling magmamahal pa subalit IKAW ang nagbigay dahilan upang aking maintindihan kung ano ba talaga ang tunay na pagmamahal. Alam kong hindi maiwasan ang minsa'y pag-ibig ko sayo'y di mo mapaniwalaan kung tunay man o totoo. Ayoko naman kontrahin ang mga sinasabi mo, subalit iniisip ko na lang na pag-ibig ko sayo'y patutunayan ko upang sa pagdating ng araw, mga patunay ko'y iyo din mararamdaman. Maraming beses, ako'y nagtanung sa aking sarili, kung pagmamahal ko sayo'y totoo, pero iisa lang talaga ang sagot ng mga ito; ang tadhana ko'y ikaw na siguro at pagmamahal ko'y iniaalay ko sayo ng buo. Mahirap man paniwalaan ito, subalit laging dasal ko na lang ay sana ang araw na 'yon dumating na sa iyo din manggaling na ika'y tunay kong minamahal at mamahalin kahit hanggang libing, walang ipagbabago nitong aking damdamin, para sa isang tulad mo. 

Isang buwan na tayo mula nun hayaan natin ang ating mga damdamin ay iisa na rin. Isang buwan na tayo'y binubuo ng ating mga puso, may mga panahon mang tayo'y inihaharap sa mga pagsubok, subalit nais kong malaman mong patuloy kang minamahal ng aking puso. Ikaw lamang ang hinahanap hanap nito, na walang atubiling iniiyak ng damdamin ko sa tuwing ika'y namimiss ko. Sa araw araw na dumadaan sa buhay ko, pag-ibig ko sayo ay lalung dinudugtungan ng aking puso upang ikaw ay sobra pang mahalin ko. Mga pangarap, maraming nabubuo sa aking isipan na kasama ko sa pagtupad. Sana ay lagi kang andyan upang mahalin ko, maging hanggang sa huling hininga ko. 

Alam kong marami pang pagsubok ang maari natin makaharap, sa patuloy natin paglalakbay tungo sa ating kinabukasan. Sana ay samahan mo ako sa pakikipaglaban upang ang mga ito'y ating malampasan. Maging matatag pa sana tayo sa kahit anong anggulo ng ating buhay. Sana ay masaya ka sa piling ko, dahil nais kong malaman mo, na sa bawat paggising ko sa araw araw, alam kong buhay ko'y nadaragdagan dahil mayron isang IKAW na aking minamahal, Sa bawat paghinga ko sa ibabaw ng mundong ito, IKAW ang dahilan ko, dahil IKAW lamang ang susi sa patuloy kong buhay. Nais kong magpasalamat sa iyo aking kamahalan na ikaw na syang nag-iisang dahilan kung bakit ako ay patuloy na masaya sa piling mo. Sana ay masaya ka rin na ako'y nandito sa buhay mo. Asahan mong pagmamahal ko ay para lamang sa iyo...

==========0============0=============0==========
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

No comments:

Post a Comment