Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Tuesday, December 28, 2010

Bakit Ganito?


Bakit ganito?
Pakiramdam ko'y di ko maipaliwanag.
Hindi ko alam tuloy,
Aking gagawin,
Sapagkat di ka naman nagpaparamdam.
Ano pa ang aking gagawin,
Kung hindi ka naman nagsasabi sakin.

Aking nararamdaman ngayon,
Kabog ng dibdib,
Bigat ng isip....

Bakit ba nagkaganito?
Ano ba ang naging kasalanan ko?
Di ko naman alam kung saan ako,
Nagkamali sayo....

Mahirap na itong kalagayan ko,
Ni di maipaliwanag ng sarili ko.
Upang ikaw ay maintindihan ko.
Sana manlang ay sinabi mo.
Kung ano ba talaga ang nagawa ko?

Masakit sa puso ko,
Ang isipin ang mga nangyayaring 'to.
Kanina lang ay masaya tayo.
Ngunit pagbalik ko ay bigla na lang,
Nag iba ang pakiramdam mo.
Lalabs ko, sana ay sabihin mo.
Kung ako ba ay nakasakit sayo.
Dahil hihingi naman ako ng tawad sayo.
Kung tingin mo may nagawang mali tong sarili ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Upang malaman man lang kahit konti galing sayo.
Kung bakit nagkaganito?


=========================o0o==========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."