Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Tuesday, December 14, 2010

Ika'y AKIN...

Sa puso ko ikaw lang ang nag-iisa.
Kahit hindi ka man maniwala,
Alam kong ikaw lamang ang sa akin ay mahal.
Sigurado akong, ikaw at wala ng iba pa.

Gaya ng iyong sinabi,
Mahirap paniwalaan kasi.
Hindi naman kita masisisi,
Dahil sa nakaraan ko'y ikaw ang saksi.

Sana naman ay dumating ang araw,
Na puso't isipan mo'y maniwala na sakin.
Dahil wala naman iba itong sinasabi,
Kundi ang mahalin ka lagi-lagi.

Alam kong, di kita sinadyang mahalin,
Ngunit ang puso ko'y nagsusumamo na din,
Na sana di ka na sa akin ay mawaglit
Para buong buo kang tawagin akin.

Kung sa di inaasahan, tayo'y nagmahalan.
Sa akin ay ikaw lamang...
At sana'y wala ng humadlang.
Pagkat ikaw ang bigay ng maykapal hirang.

Sa aki'y sana'y di ka na nya walain.
Dahil wala ng silbi ang aking sarili giliw,
Kung ako ay iiwanan mo din,
Sa pagkat buhay ko'y tinurin ka ng akin.


"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."