Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Wednesday, December 8, 2010

Wala ako maisip kundi ikaw

Naasar ako, dahil sa tarantadong globe na ito.
Hindi kita makausap ng matino,
Bakit ba ganito?

Inaantok ako, dahil isip ko'y wala dito,
kundi laging na sa iyo,
kung ano na ang mga ginagawa mo,
Sana ay naiisip mo din ako,
Dahil, ako'y narito nagmamahal lagi sayo.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.
Utak mo'y di naman hawak ko.
Kaya't lagi kong dasal,
na sana ay magtagal pa tayo.

Alam kong kapalaran natin,
Sya lang sa taas ang makapagsasabi.
Ngunit, mga pangarap natin ay maaring mangyari,
Kung tayong dalawa ay kanya'y magsasabi.

Nakaupo ako, sa harap ng monitor ko.
Habang sinusulat ko ito,
Ikaw naman ay nasa utak ko,
at ng puso kong nagsusumamo sayo.

Sana ay nararamdaman mo,
Pagmamahal ko sayo,
ay sobra pa sa inaakala ko.
Dahil alam kong ikaw,
ang syang nagturo nito,
kung papaano muling kumilala,
sa PAG-IBIG ko!

Sana ay sa bawat araw
na magdadaan sa atin,
tayo ay maging matatag lagi
lalu na sa pagharap sa mga
pagsubok na darating.

Lagi mo sana isipin,
na mahal kita, sobra pa sa iyong inakala.
Ang lahat ng ito'y di ko man sadya,
sana po ay maintindihan mo na,
kung gaano ka kahalaga,
sa buhay ko.


nagmamahal lang naman ako,
sana'y ikaw na ang bigay nya,
na matagal ko ng pinagdasal,
na sana dumating ang panahon,
na dumating ang isang tao,
na tutugon sa pagmamahal ko,
na tapat na iaalay ko sayo.

maraming salamat......

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Simpleng kulitan, Kapalit ay Pagmamahal?

Ngayon gabi, ako ay nakaupo lang sa isang tabi.
Nag-iisa at walang kasama.
Iniisip kita, hindi kasi kita kausap.
Mga tanung sa aking utak,
ay sayo namulat...

Hindi ko alam kung paano tayo nag-umpisa.
Ikaw na nga lang, itong nagpaalala.
Nakakatuwa kung iisipin di ba?
Nung ikaw ay una kong makilala...

Hindi naman ako kaaya-ayang nilalang.
Gaya ng aking laging sinasabi..
Na sa mundong ito, kahit ako man ay ganito,
pagmamahal ko sayo, ay nag-iisa lang na mosquito.

Aking ipagpapatuloy, itong aking kwento.
Mga alaala nati'y alam kong nakakatawa to
dahil ikaw ang kaakibat ko.
Ni sa akala, hindi ko ini-expect 'to,
na ako pala ay magmamahal sayo ng ganito...

Para lang akong naglakad sa kagubatan,
nakahanap ng isang balon dyan,
saglit lang akong huminto,
paggising ko'y nalulunod na pala ako,
sa pagmamahal mo, at maraming salamat
sayo, dahil minamahal din kita ng totoo..

Nilapit tayo ng mga pang-asar natin,
sagad hanggang buto..
Pero bakit ni isa sa atin,
ay wala manlang napikon?
Ito ba ay talagang sinasadya,
ng ating mga tadhana?

Marahil tayo'y dinadala,
ng hangin tungo sa ating tadhana.
Wala tayong kamalay-malay,
na magmamahal tayo sa isa't isa.

Unang pag-uusap nati'y
pakiramdam ko'y alanganin.
Dahil pakay ko'y ilakad lamang,
Ang mahal kong kaibigan.

Mga panahon nag-uusap tayo,
walang ibang ginagawa kundi,
ang mag-asaran tayo...
Akala ko ay simpleng harutan lang,
wala tayong kamalay malay,
isang pahiwatig ng pagmamahalan,
na pala ang nangyayari sa atin.

i love you che... ayiiiii

to be continue.....

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Walang titulo dahil walang katulad...

Dati rati'y ang akala ko,
ay hindi na ako magkakainteres,
sa kahit na sinuman.
Buong akala ko,

mahirap ka nang hanapin,
kasi naman tarantado ako.
Ngunit sa di ko inaasahan,
ikaw pala ang magiging parte neto.

Isa kang hayop sa pananaw ko, marahil ay dahil hayop din akong ginawa ng mga katulad ko. Mga tawag sa atin ay hindi naisipan o napaghandaan subalit bigla na lang syang nabuo. Sa sirkulasyon ng ating pagkakaibigan ay halus nakatira tayo sa isang lugar kung saan pwdi natin tawagin JURASIC ISLAND... Paano kasi, mga hayop lang ang makikita mo ron. Naisip mo na ba kung sinu sino ang mga yon? Ikaw, ako, sya, sila at tayo tayo lang naman. Magkaiba man tayo ng lahi, subalit iisa pa din ang atin pinanggalingan. Yun ay mga hayop tayo kung magturingan. Ibang klase itong pagkakaibigan. Walang patawad kong magharutan at mag-asaran. Ang maganda lang dahil tayo ay nagsasama sama kahit anung mangyari. 
(nov. 28, 2010)

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Alay....


takot akong gumising na lang isang araw,
na hindi ka na nagmamahal sa akin.
anu ba sa tingin mo ang kailangan kong gawin?
upang ikaw ay laging manatili sa aking piling?

Simple lang akong tao,
wala ako maipagmamalaki sayo,
kundi ang natatangi kong pag-ibig
na handang ialay sa iyo.

pait ng nakaraan ko'y,
di ko maiwasan, matakot para sa kinabukasan,
sana'y iyong maintindihan na ako'y
nandito at nagmamahal sayo,
sana pakaingatan mo ito. 

(nov. 22, 2010)

 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

Ikaw...


Sa lahat ng unos, na aking pinagdaanan. Narito na naman po ako at muling nagbabalik, ngunit hindi dahil ako ay malungkot, kung di dahil ako ay masaya. Ito na siguro ang sinasabing "muling pagkabuhay"...


Napakasarap isipin, na sa kabila ng mga luhang umagos sa aking mga mata, at mga sakit na naramdaman ng aking kalooban at pusong nagdurusa, may isang IKAW na muling nagbangon nito. IKAW, na nagtiis samahan ako sa mga sakit na nararamdaman ko para sa isang taong minsan naging buhay ko. Nagtiis at nagtyaga kang sabayan ako sa mga bagay bagay na kung saan maaring magsilbing gabay ko upang makalimutan ko ang puot na nararamdaman ko sa aking nakaraan. Nandyan ka lagi upang pahirin ang mga luhang umaagos sa aking mga mata, at gamutin ang puso kung nagdurusa. Nais kong sabihin na IKAW ang simpleng nagbukas ng aking panibagong pinto tungo sa muling pagkilala sa sa buhay, na minsa'y ninais ko nang kalimutan kung papaano ang PAGMAMAHAL at nais kong sa iyo ay magpasalamat sa mga ilaw na iyong iniabot sa akin upang ako ay muling magising sa natutulog kong damdamin.


Muling ako ay bumangon kasama ko ang panibagong IKAW, na syang nagpaalala na ang PAGMAMAHAL ay ni minsan di natin makalimutan. Dahil, habang tayo ay nasasaktan, isipin natin lagi na ang PAGMAMAHAL ay laging nandyan at ni minsan ay di natin walain. Dahil kung sa PAGMAMAHAL man tayo nadapa, sa PAGMAMAHAL din tayo babangon.


IKAW, na sya na ang buhay ko ngayon. Sa aking muling pagngiti sa panibago kong mundo, nais kong malaman mo, na IKAW ang sa aki'y sana makasama hanggang sa kabilang ibayo ng aking buhay.
MARAMING SALAMAT IKAW, AT MARAMING SALAMAT NA IKAW ANG NAGDALA SAKIN NG PAGMAMAHAL. ASAHAN MONG IKAW LAGI ANG AKING MAMAHALIN. SANA AY H'WAG KANG MAGSAWANG SAMAHAN AKO SA MULI KONG PAGLALAKBAY SA PANIBAGONG BUHAY NATIN MAGKASAMA. SAAN MAN TAYO MAPADPAD, ASAHAN MONG PAGMAMAHAL KO'Y DI MAARING MAKALIUTAN. DAHIL IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT MULING AKO AY NABUHAY....


"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."