Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Wednesday, December 8, 2010

Ikaw...


Sa lahat ng unos, na aking pinagdaanan. Narito na naman po ako at muling nagbabalik, ngunit hindi dahil ako ay malungkot, kung di dahil ako ay masaya. Ito na siguro ang sinasabing "muling pagkabuhay"...


Napakasarap isipin, na sa kabila ng mga luhang umagos sa aking mga mata, at mga sakit na naramdaman ng aking kalooban at pusong nagdurusa, may isang IKAW na muling nagbangon nito. IKAW, na nagtiis samahan ako sa mga sakit na nararamdaman ko para sa isang taong minsan naging buhay ko. Nagtiis at nagtyaga kang sabayan ako sa mga bagay bagay na kung saan maaring magsilbing gabay ko upang makalimutan ko ang puot na nararamdaman ko sa aking nakaraan. Nandyan ka lagi upang pahirin ang mga luhang umaagos sa aking mga mata, at gamutin ang puso kung nagdurusa. Nais kong sabihin na IKAW ang simpleng nagbukas ng aking panibagong pinto tungo sa muling pagkilala sa sa buhay, na minsa'y ninais ko nang kalimutan kung papaano ang PAGMAMAHAL at nais kong sa iyo ay magpasalamat sa mga ilaw na iyong iniabot sa akin upang ako ay muling magising sa natutulog kong damdamin.


Muling ako ay bumangon kasama ko ang panibagong IKAW, na syang nagpaalala na ang PAGMAMAHAL ay ni minsan di natin makalimutan. Dahil, habang tayo ay nasasaktan, isipin natin lagi na ang PAGMAMAHAL ay laging nandyan at ni minsan ay di natin walain. Dahil kung sa PAGMAMAHAL man tayo nadapa, sa PAGMAMAHAL din tayo babangon.


IKAW, na sya na ang buhay ko ngayon. Sa aking muling pagngiti sa panibago kong mundo, nais kong malaman mo, na IKAW ang sa aki'y sana makasama hanggang sa kabilang ibayo ng aking buhay.
MARAMING SALAMAT IKAW, AT MARAMING SALAMAT NA IKAW ANG NAGDALA SAKIN NG PAGMAMAHAL. ASAHAN MONG IKAW LAGI ANG AKING MAMAHALIN. SANA AY H'WAG KANG MAGSAWANG SAMAHAN AKO SA MULI KONG PAGLALAKBAY SA PANIBAGONG BUHAY NATIN MAGKASAMA. SAAN MAN TAYO MAPADPAD, ASAHAN MONG PAGMAMAHAL KO'Y DI MAARING MAKALIUTAN. DAHIL IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT MULING AKO AY NABUHAY....


"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka dahil mahal kita."

No comments:

Post a Comment