Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Thursday, June 23, 2011

Bakit?

Masaya ako ng natagpuan ka..
Lalangoy ako sa buong daigdig,
Para lang makapiling ka...
Masaya ako kasi mahal kita...
Miss kita pero malayo ka.
Kailangan kita pero wala ka...
Iniisip ko, lumutin ka...
Pero masakit talaga..
Bakit hindi ko kaya?
Dahil ba sa mahal talaga kita?
Kasalanan bang mahalin ka,
Kahit ayaw mo na?


======================o0o========================== 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Sunday, April 3, 2011

Sana ako'y iyong Mapatawad...


Ipagpatawad mo aking pag-ibig...
Di ko sadyang maglaho, tibok ng yung damdamin.
Sana naman ako'y iyong patawarin.
Huli ko na nalaman damdamin mo'y
Nawawala na pala para sa akin... 
Hindi manlang kita napigilan,
Tibok ng iyong puso, sa aki'y nagmamahal.

Basta na lang ito nalulusaw,
Ng hindi ko namamalayan.
Iyong pagmamahal,
Ay unti-unti nang nalulugaw
Palayo sa akin at nabubugaw.

Masakit man itong malaman,
Subalit, buo ko naman tinatanggap.
Hindi ako nagtatampo, ni galit ay wala.
Okay lang sabi pa ng aking pakiramdam.
Ang importante mahal kita..
At hindi pa naman ito nagbabago.

'wag mo pong isipin,
Na ako'y nasasaktan.
Dahil kita'y naiintindihan.
At ako'y handang mahirapan.
Sa kahit anong klaseng buhay ang pagharap.
M ahal kita alam mo yan.
Sana ako'y iyong mapatawad....





===========================o0o=========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Sunday, February 20, 2011

Pakpak ng Damdamin


Oh kay hirap itong aking nararamdaman.
Paano ko ito sayo ipaparating?
Upang itong aking damdamin,
Ay sa iyo makapagpahiwatig.

Isang pakpak ang aking kailangan.
Upang sa iyo ko'y ipaalam.
Itong tunay kong nararamdaman.
Pagkat ikaw itong minamahal.
Ng aking pusong sa iyo ay nagsusumamo.

Kay sarap naman magkaroon ng mga pakpak.
Kahit saan dako paroroon, alam kong ako ay makakarating.
Mga diwa ng aking puso ay siguradong sa iyo tungo.
Sa pamamagitan ng pakpak na ito,
Alam kong mapapanatag na itong puso ko.

Sa bawat paglipad ng pakpak na ito,
Kaakibat nya'y itong pag-ibig ko para sa iyo.
Sana sa kanyang paglayag, Ikaw ang makita nito
Upang ang aking pagsinta sayo, ay kanya'y maibahagi
At ng maramdaman mo, minamahal ko...

Mga mithiin ko'y iisa lamang.
Ito ay ang magkaroon sana ng tugon.
Ngunit kong ang payagan ng maykapal,
Ay wala naman sa aking kapalaran.
Malugod ko itong tatanggapin.
Pagkat ang mahalin ka lang
Ang s'ya lamang ang ninanais...



======================o0o==========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Sunday, February 6, 2011

Subukan ng Walang Hanggan Pagmamahalan..


Kay sarap isipin kung alam mong nagmamahalan kayo.
Kay sarap damhin kung alam mong nandyan pa kayo sa isa't isa.
Kay sarap tanawin mga alaala nyong binubuo ng dahil sa pagmamahalan nyo.
Ngunit walang sasarap kung sabay kayong tatawid sa mga pagsubok sa inyo.

Kapag mahal mo raw ang isang tao, 
Pipilitin mong labanan kahit anong pagsubok ang ibigay sayo.
Sa pagkat alam mong may dahilan ang nararamdaman ng damdamin nyo..
Napakasarap naman kung iisipin na alam mong nagmamahalan pa kayo.
Kahit gaano pa katindi ang pagsubok na haharapin nyo ay walang tatalo.
Asahan nyong dalawang puso ay laging mananatili hanggang sa huli...

Ano pa nga ba ang dapat gawin kung ikaw ay humaharap sa matinding paghihirap?
Matitiis mo bang malaman sa iyong sarili na ikaw lamang ang lumalaban?
O iiyak mo na lang dahil alam mong gusto nyang ika'y damayan
Ngunit takot naman ay sa kanya ang nararamdaman.

Pero kung tunay kang nagmamahal ang isisi sa iba ay hindi mo magagawa.
Mga luha ng dalawang pusong binuklod ay patuloy lang aagos, tama nga ba?
At patuloy din mararamdaman ang tindi ng sakit na dulot nito, di ba?
Subalit kung ilalaban nyo ito, ano nga ba ang mawawala, tama ba?
Bakit hindi nyo subukan harapin ang bawat hirap na dumarating.
Pagkat ang mahalaga ay ang isa't isa at hindi ang iba, di nga ba?



======================o0o========================== 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Monday, January 31, 2011

IKAW sa Hating Gabi Y_Y

 Hating gabi na...
Ako ay gising pa.
Hindi ako makatulog,
Dahil utak ko'y gulung-gulo.

Pilit kong hinahanap ang antok,
Pero bakit hindi naman nagpaparamdam ito?
Ano ba ang gagawin ko,
Kung IKAW naman ang nilalaman nito?

Kay sarap naman isipin,
Na IKAW lamang ang nasa damdamin.
Hating gabi man ngayon,
Para lang ito ay dapit hapon.

Bakit ba ako ay nagkakaganito?
Isa sa mga katanungan ng isip ko.
Dahilan ng aking pagkalito.
Sa akin nararamdaman, oh sinta ko.

Nais ko sanang ipaabot sayo.
Ikaw lamang ang laman ng isip ko.
Namimiss kita iniirog ko.
Sana ay may paraan ako,
Upang mapawi ito...



=======================o0o========================= 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Friday, January 21, 2011

SUMPAAN sana'y IPANGAKO mo...



Lagi lamang ako nandito,
Alam mo naman walang magbabago.
Pagkat ito ang isinumpa ko sayo.
Asahan mong mananatili ang puso ko.

Kung nahihirapan man tayo pareho,
Sana ay sabay nating labanan ito.
Sa ating dalawa'y ipinangako,
Na sa ati'y walang anuman pagsubok
Ang tayo'y sisirain pa...

Masakit man din sa ating mga damdamin,
Ngunit hindi sapat kung tayo'y susuko din.
Dapat maging laging handa tayong tiisin.
Dahil walang sinuman ang sa ati'y lalayo,
Pagkat hawak natin ang sa isa't isa'y
IPINANGAKO....Y,Y





======================o0o========================== 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Thursday, January 13, 2011

Kung Sakali man...


Kung sakali man ikaw ay lalayo,
Pwedi bang dalhin mo na lang itong puso ko.
Dahil ito'y hindi na muli pang titibok.
Pagkat ito'y nabihag mo na.

Aanhin ko pa itong nararamdaman ko.
Kung ika'y wala rin lang mahal ko.
Ikaw lamang at wala ng iba pa.
Oh aking sinta...

Sana ay wala nang hangganan pa,
Itong pagmamahalan na ating nadarama.
Sana tayo pa din hanggang sa aking mga huling hininga.
Dahil minamahal kita.

Nais kong malaman mo,
Na ikaw lang ang aking minamahal,
At wala nang iba pa magpahanggang libing man.
Pangako yan sa iyo aking kamahalan....




 ======================o0o========================

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."