Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Monday, January 31, 2011

IKAW sa Hating Gabi Y_Y

 Hating gabi na...
Ako ay gising pa.
Hindi ako makatulog,
Dahil utak ko'y gulung-gulo.

Pilit kong hinahanap ang antok,
Pero bakit hindi naman nagpaparamdam ito?
Ano ba ang gagawin ko,
Kung IKAW naman ang nilalaman nito?

Kay sarap naman isipin,
Na IKAW lamang ang nasa damdamin.
Hating gabi man ngayon,
Para lang ito ay dapit hapon.

Bakit ba ako ay nagkakaganito?
Isa sa mga katanungan ng isip ko.
Dahilan ng aking pagkalito.
Sa akin nararamdaman, oh sinta ko.

Nais ko sanang ipaabot sayo.
Ikaw lamang ang laman ng isip ko.
Namimiss kita iniirog ko.
Sana ay may paraan ako,
Upang mapawi ito...



=======================o0o========================= 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

No comments:

Post a Comment