Kay sarap isipin kung alam mong nagmamahalan kayo.
Kay sarap damhin kung alam mong nandyan pa kayo sa isa't isa.
Kay sarap tanawin mga alaala nyong binubuo ng dahil sa pagmamahalan nyo.
Ngunit walang sasarap kung sabay kayong tatawid sa mga pagsubok sa inyo.
Kapag mahal mo raw ang isang tao,
Pipilitin mong labanan kahit anong pagsubok ang ibigay sayo.
Sa pagkat alam mong may dahilan ang nararamdaman ng damdamin nyo..
Napakasarap naman kung iisipin na alam mong nagmamahalan pa kayo.
Kahit gaano pa katindi ang pagsubok na haharapin nyo ay walang tatalo.
Asahan nyong dalawang puso ay laging mananatili hanggang sa huli...
Ano pa nga ba ang dapat gawin kung ikaw ay humaharap sa matinding paghihirap?
Matitiis mo bang malaman sa iyong sarili na ikaw lamang ang lumalaban?
O iiyak mo na lang dahil alam mong gusto nyang ika'y damayan
Ngunit takot naman ay sa kanya ang nararamdaman.
Pero kung tunay kang nagmamahal ang isisi sa iba ay hindi mo magagawa.
Mga luha ng dalawang pusong binuklod ay patuloy lang aagos, tama nga ba?
At patuloy din mararamdaman ang tindi ng sakit na dulot nito, di ba?
Subalit kung ilalaban nyo ito, ano nga ba ang mawawala, tama ba?
Bakit hindi nyo subukan harapin ang bawat hirap na dumarating.
Pagkat ang mahalaga ay ang isa't isa at hindi ang iba, di nga ba?
======================o0o==========================
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."
No comments:
Post a Comment