Be mine...

Be mine...
If you love someone more then anything, then distance only matters to the mind, not to the heart.

Monday, January 31, 2011

IKAW sa Hating Gabi Y_Y

 Hating gabi na...
Ako ay gising pa.
Hindi ako makatulog,
Dahil utak ko'y gulung-gulo.

Pilit kong hinahanap ang antok,
Pero bakit hindi naman nagpaparamdam ito?
Ano ba ang gagawin ko,
Kung IKAW naman ang nilalaman nito?

Kay sarap naman isipin,
Na IKAW lamang ang nasa damdamin.
Hating gabi man ngayon,
Para lang ito ay dapit hapon.

Bakit ba ako ay nagkakaganito?
Isa sa mga katanungan ng isip ko.
Dahilan ng aking pagkalito.
Sa akin nararamdaman, oh sinta ko.

Nais ko sanang ipaabot sayo.
Ikaw lamang ang laman ng isip ko.
Namimiss kita iniirog ko.
Sana ay may paraan ako,
Upang mapawi ito...



=======================o0o========================= 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Friday, January 21, 2011

SUMPAAN sana'y IPANGAKO mo...



Lagi lamang ako nandito,
Alam mo naman walang magbabago.
Pagkat ito ang isinumpa ko sayo.
Asahan mong mananatili ang puso ko.

Kung nahihirapan man tayo pareho,
Sana ay sabay nating labanan ito.
Sa ating dalawa'y ipinangako,
Na sa ati'y walang anuman pagsubok
Ang tayo'y sisirain pa...

Masakit man din sa ating mga damdamin,
Ngunit hindi sapat kung tayo'y susuko din.
Dapat maging laging handa tayong tiisin.
Dahil walang sinuman ang sa ati'y lalayo,
Pagkat hawak natin ang sa isa't isa'y
IPINANGAKO....Y,Y





======================o0o========================== 
"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Thursday, January 13, 2011

Kung Sakali man...


Kung sakali man ikaw ay lalayo,
Pwedi bang dalhin mo na lang itong puso ko.
Dahil ito'y hindi na muli pang titibok.
Pagkat ito'y nabihag mo na.

Aanhin ko pa itong nararamdaman ko.
Kung ika'y wala rin lang mahal ko.
Ikaw lamang at wala ng iba pa.
Oh aking sinta...

Sana ay wala nang hangganan pa,
Itong pagmamahalan na ating nadarama.
Sana tayo pa din hanggang sa aking mga huling hininga.
Dahil minamahal kita.

Nais kong malaman mo,
Na ikaw lang ang aking minamahal,
At wala nang iba pa magpahanggang libing man.
Pangako yan sa iyo aking kamahalan....




 ======================o0o========================

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Tuesday, January 11, 2011

Happy 2nd Monthsary Lalabs...

"Hindi kita minahal dahil sa taglay mong ganda, maganda ka sa akin dahil mahal kita."

Ito na ang araw ng buwan kung saan tayo ay nagkasundong maging isa sa atin mga puso at isipan. Ito rin ang araw na atin inihayag sa isa't isa ang tunay na nararamdaman para sa isa't isa. Sana ay patuloy tayong magmahalan hanggang sa wala na sana katapusan. Sabi nila lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan pwera lang ang pagmamahal. Dahil habang nabubuhay tayo patuloy tayong magmamahal. Sana ang pagmamahal na ito ay sa iyo na lamang ng may kapal ilaan gayundin ang iyong nararamdaman para sa akin. Nais kong malaman mong ako'y masaya mula ng makilala ka. N'ung inumpisahan kong buksan ang aking isipan at puso para sa iyo, mga kasagutan sa aking katanungan ay nabigyan kasagutan, marahil sa iyong pagdating sa aking buhay. Maraming salamat sa pagmamahal mo at sana ay di ka magbago lalabs. Mahal kita alam mo yan at nababalewala lahat ng hirap at pagod sa araw araw kong pamumuhay sa pagkat alam kong ikaw ang dahilan ng aking lakas ng loob. Ikaw ang buhay ko at sana'y di ka magbago dahil habang ako'y narito sa mundong ito, lagi akong nandyan para sa iyo. 

I love you....